Mga bakuna para sa edad lima hanggang labing pitong taong gulang
Inirerekomenda na ang lahat ng may edad limang taong gulang pataas ay magpabakuna para sa COVID-19 at magpabooster kapag kwalipikado, upang makatulong na maprotektahan ang kanilang sarili laban sa COVID-19. Ang pagbakuna sa mga bata ay maaaring makatulong din sa pagprotekta ng kanilang mga kapamilya, na may mas mataas na panganib na magkasakit kung mahawaan, lalo na kung hindi pa karapat-dapat na sila ay bakunahan. Ang pagbabakuna ay makakatulong sa pagpapanatili ng mga bata sa paaralan, at ligtas na makalahok sa mga aktibidad. Ang bakunang Pfizer-BioNTech ay napahintulutan para sa mga batang may edad lima hanggang labing limang taong gulang, at naaprubahan din ito para sa mga kabataan na edad labing anim hanggang labing pitong taong gulang. Ang dosis ng bakuna para sa COVID-19 ay nag-iiba ayon sa edad at sa araw ng pagbabakuna.
Ang mga kabataang may edad na labing dalawang taong gulang pataas ay kapareho ang dosis ng mga matatanda
Ang mga batang may edad lima hanggang labing isang taong gulang ay dapat tumanggap ng kalahating dosis.
Ang bakunang Pfizer-BioNTech na para sa mga bata ay naglalaman ng parehong aktibong mga sangkap, gaya ng bakunang ibinibigay sa mga matatanda at kabataan na na may edad labing dalawang taon pataas.
Ang pangalawang turok ng bakuna ay dapat ibigay tatlong linggo pagkatapos ng unang dosis.
Ang bakuna para sa COVID-19 ay napatunayang ligtas at epektibo para sa mga bata, batay sa datos mula sa mga klinikal na pagsubok. Ang lahat ng bakuna sa COVID-19 ay mahigpit na sinusubaybayan.
Karamihan sa mga tao ay bihirang makaranas ng malubhang epekto sa kalusugan pagkatapos mabakunahan para sa COVID-19.
Maaaring makaranas ang mga bata ng masamang epekto tulad ng pananakit at pamamaga sa bahaging pinagturukan, pananakit ng ulo, panginginig at lagnat. Ang mga sintomas na ito ay dapat mawala sa loob ng ilang araw.
Ang mga edad labing dalawang taong gulang at pataas na nakatanggap ng kanilang pangalawang dosis ng bakunang Pfizer sa nakalipas na limang buwan, o edad labing walong taong gulang pataas na nakatanggap ng pangalawang dosis ng bakunang Moderna sa nakalipas na limang buwan, o ng bakunang J&J dalawang buwan pa lang ang nakalipas, ay dapat mag pabooster dosis na. Ang mga booster na dosis ay hindi pa inirerekomenda para sa mga batang edad lima hanggang labing isang taon gulang.